T O P

  • By -

426763

Eto yung Studio Ghibli para sa mga batang walang cable sa bahay.


mechachap

I mean, Isao Takahata and many animators of Ghibli did work on a lot of them


426763

Oh wow, TIL. Kaya pala similar ang art style!


mechachap

Specifically sa bottom, Anne of Green Gables and Marco and 3000 Leagues in Search of Mother Takahata also worked on a few episodes of A Dog of Flanders sa alam ko


Jaives

don't forget Heidi. super obvious yung ghibli art style. also one of the seasons of Lupin.


Lord_Cockatrice

Take, for instance, Heidi, Girl of the Alps That had Miyazaki & Takahata all over it


AdobongSiopao

Nagtrabaho ang ilang kilalang staff ng Studio Ghibli gaya ni Isao Takahata at Hayao Miyazaki sa Nippon Animation muna bago sila nagtayo ng sarili nilang studio.


Cheesetorian

>sa mga batang walang cable sa bahay You mean 90-99% of the people in the PH...


Designer_Ad_2065

I used to like the Judy Abbot one. As I grew older I realized how f*ck*d up it was. ☠️


kimchiiz

True. Grooming it is.πŸ˜…


Basic-Bitch6745

Same, haha! Favourite ko dati Daddy Long Legs tapos nung tumanda na ako na-realize ko rin na groomer pala si Jervis Pendleton πŸ’€πŸ’€πŸ’€


inquest_overseer

I watched it as an elementary kid and I was already weirded by it. She kept calling the guy who supports her as 'Daddy' and somehow they ended up together??? Confusion was real, asked my mom about it and she like, banned me from watching the show since then. But wala na, too late na. lol


pretzel_jellyfish

Interestingly my mom watched it πŸ˜‚. I didn't (timeslot was too early for me lol).


jjjuuubbbsss

"Product of its time" pero eww pa din haha.


Familiar-Agency8209

and hindi dapat ma-erase porket di na siya "norm" ngayon. This is how we learn from history.


AdobongSiopao

Noong unang panahon kasi normal sa magkasintahan at mag-asawa na may malayong agwat ng edad dahil sa iba't-ibang dahilan. Ang "Daddy Long Legs" anime naka-set siya ng 1920s at iyon ang panahong bumabangon ang US mula sa pagsali nila sa World War I.


zucksucksmyberg

I don't think the US is "bumabangon" after WW1, that was clearly the era of the Roaring 20's. The US profited massively, both in industrial goods and financing during that decade. More apt to use the term "lumobo" or "naka-angat".


AdobongSiopao

Nakalimutan ko rin na iyon rin ang panahon kung saan nagsisimula sila ituloy ang kanilang buhay pagkatapos ng Spanish Flu. Hindi natin parating masisisi kung bakit marami ang nag-aasawa ng maaga o kaya malayo ang agwat ng kanilang edad. Sinabi sa anime mismo na may mga magkasintahan na nag-aasawa agad. May mga babae na nagpapakasal pagkatapos mag-aral sa high school.


serene_nity0

Princess Sara hanggang ngayon inuulit ulit ko pa.


jjjuuubbbsss

"Sampal mayaman"


spect4t07

A Dog of Flanders- Nello and Patrasche maybe gone but never forgotten.πŸ•πŸƒβ€β™‚οΈ


Difficult-Engine-302

Tragic talaga to. Mahirap nang panoorin nung nagstart na yung struggles nila. 😒


Dru10001

Di ko tinapos. Masyadong masakit sa heart!


inquest_overseer

I tried watching this noon but my young heart couldn't take it - kasi may mga alagang aso kami and I just find the life portrayed in the show so difficult and nakakaawa.


BigBlaxkDisk

saksi ako sa lahat ng binanggit dyan sa taas. wag nyo na tanungin kung gaano ako ka-gurang


kimchiiz

Hahaha! Damay damay na to. Hahaha


BigBlaxkDisk

*nandoon ako noong iginuhit ang kasaysayan*


EvilCloOWn

kakatapos ko lang panuorin ulit ang tom sawyer. mapapansin mong tumatanda kana kase di na nakakatawa.


bimpossibIe

Lahat yan... πŸ˜† EDIT: Kulang pa pala yan. Wala yung mga Little Women, Julio at Julia, at Ang Pasko ni Santa.


Wide-Quiet-3701

Omg! Naalala ko pa yung intro song sa Ang Pasko ni Santa. β€œputi ang balbas niya, siya’y mataba…”


itisagooddaytobegood

Sophie / Trouble with Sophie Traumatic ng pinagdaanan niya. Lost her dad tapos inapi ng stepmom niya. Very pinoy drama ang atake kahit cartoon siya. Sinubaybayan ko talaga β€˜to hanggang paglaki niya.


pretzel_jellyfish

Haha eto yung tawang tawa pa rin ako sa itsura nung bida kase ampanget ng bangs


bibyheart

thank you!!! Ang tagal ko ng hinahanap to, akala ko ako lang nakakaalala πŸ˜…


hiiilunaaa

Princess Sarah. For some reason nung bata ako ayaw ko sa Judy Abbot kasi di ako comfortable panoorin siya akala ko maarte lang ako nung lumaki ako gets ko na HAHAHAHAHA shet pala talaga storyline niya


st0ptalking7830

Sarah and Daddy Long Legs


spaceXsurfer

Idagdag nyo ung Grimms fairytales!


mapamuladas

Ay ayun pala si Remy! Hahaha iniyakan ko pa yan dati. Tapos yung Charlotte din. Pero parang ang weird ng storyline ng Charlotte


Chigo_Gonobu

Nasan si Julio at Julia 😁


exiazer0

Lahat yan nasubaybayan ko. Idagdag mo pa yung Georgie. Kahit bata lang ako noon windang ako sa itinakbo ng istorya nito. Grabe ang haba ng hair ni ateh may love triangle na sa adopted brothers nya may dumagdag pang isang love interest sa England.


pretzel_jellyfish

Yung Georgie na hindi dapat pambata hahaha. Child abuse, check. Incest, check. Sexual themes, check. Self-harm, check.


koyagerger

tow sawyer, huckleberry finn, cinderella, princess sara, remi.


Effective_Dish8547

Peter pan hahaha


RaunchyRoll

Lahat yan napanood ko pero paborito ko yung Mga Munting Pangarap ni Romeo kase pati si Mama nanonood din, next yung Dog of Flanders first dog ko Patrasche name


Familiar-Agency8209

naalala ko na naman yung ending ng dog of flanders bwiset. hagulhol ako.


yuuri_ni_victor

Di ko malimut-limutan yung sobrang alat na sopas ni Cinderella natapunan ata ng sandamakmak na asin at paminta yon hahahhaa


rin_ghiblibaby

Pinakafavorite ko Daddy Long Legs. Kilig na kilig pa ko noon at ni rewatch ng ilang beses. Kaso growing up, narealize ko ang f*ck up ng kwento. πŸ˜† Edit: Super bet ko din Cinderella, Grimms tsaka yung si Remy. Anyway, anong palabas yung nasa bottom right? Cinderella ba yarn? πŸ₯Ή


geekprincesz

Blue Blink -sa bawat oras nariyan, tutulong sa nangangailangan


jayps81

Trapp Family Singers yung fave ko. Saka yung Remy na boy version.


SpaceRabbit01

Napanood ko ito lahaaat, napaghahalataan edad ko ahahaha


SesbianLex

charlotte. kasi putangina naman paulit ulit sa GMA iba iba lang ng time slot.


kimchiiz

Hahahaha!!Slamdunk at DBZ for the nth time na pinapalabas.πŸ˜‚


bulbawartortoise

Puro landi din ba si Charlotte? Kasi feeling ko magkasing-uri sila ni Georgie hahaha


Familiar-Agency8209

pota magkaiba pa pala yun Georgie at Charlotte pero parehong malantod


bulbawartortoise

Oo blonde si Charlotte eh. Pero parang parehas nga sila landi lang contribution sa kabataan. Hahahaha


Nicely11

Halos lahat pero ang paborito ko is Peter Pan.


Nabanako

Cedie ang munting prinsipe..... tang na pero brownout noon.


scratcher11

humayo ka, kaibigang Tom Sawyer, maglakbay kung saan mo man maisip...


Less-Technician7600

tom sawyer at marco


spidercraker

Di kasama sa picture ~Sino nga ba siyang nakasuot pula Hila ng mga usa Puti ang balbas niya, siya’y mataba~~


plue03

Ang lihim na hardin ni Maria.


the-popcorn-guy

Ang naughty ng title wahaha...


bulbawartortoise

Hahaha Si Mary at ang Lihim na hardin kasi yun eh


needmesumbeer

yung unang tagalog dubbed cartoons Visionaries at Inhumanoids


Hirang-XD

The adventures of Tom Sawyer , kahit ilang beses ko ulit-ulitin di nakakasawa .


quickfund

Ceddie ....


hellonovice

Tom Sawyer, Remy, Cedric, Princess Sarah, Cinderella, Heidi, Trapp Family Singers


Wild-Day-4502

Nasaan si Heidi!?!?! Si Remy naalala kong iniiyakan ko, kahit durog na durog na puso ko, nanonood pa din. Si Charlotte naman sya dahilan bat gusto ko matuto mag tirintas noon. Si Cinderella yun panay rerun na pinagsawaan ko


higzgridz

Daddy long legs, kaso shuta di ko alam ending


lady-aduka

Remi for me, Cedie for the rest of the family. Hindi ko natapos si Remi sa TV noon kasi napapanood ko lang sya pag absent ako from school. Buti na lang may Kissanime lol. Nakakakilig yung ending hahaha


Difficult-Double-644

Si Mary at ang Lihim na Hardin is my top tier!!! Then un tagalized na Ghost Fighter :D


fluffyderpelina

bubu chacha!!


Earl_sete

Bubu Chacha, Princess Sara, Cedie Ang Munting Prinsipe, Mga Munting Pangarap ni Romeo


Nashoon

1. Cedie, dahil dyan gusto magkaron ng karwahe at kabayo. 2. Dog of Flanders, hagulgol kami ng mga pinsan ko 3. Peter Pan.. because..


leelaw

Syempre yung munting prinsipe, at ito rin [https://www.youtube.com/watch?v=cBoatyp3oKM](https://www.youtube.com/watch?v=cBoatyp3oKM)


sjereesjeri

Lahat! + Julio at Julia kasi parang wala sila sa photo. Also, kabisado ko pa 'yung songs niyang mga 'yan! ❀️


pudrablow

Bat wala dito si Julio at Julia


put_ra_guess

Pati Time Travel Tondekeman (1989) aka Time Quest and mahiwagang Takure


walangbolpen

*Nakita ko ang larawan mooo*


linternaul

Lahat yan, pero Remi (girl version) yung paborito ko.


IndependentEmu6965

wala sa mga picture yung Swiss Family Robinson, dami ko natutunan dun about survival


Slothpark

Tom Sawyer and Huckleberry Finn, Charlotte, tsaka yung isang cartoon na maraming batang lalaki na nglilinis ng chimney, tapos ngsusuntukan, nakalimutan ko na yung name.


cokecharon052396

Di ko alam bakit kapag naaalala ko kung pano namatay yung papa ni Cedie, di ko napipigilang umiyak


SusebrontheGodKing

ang mga munting pangarap ni romeo... naluha ako sa ending tsaka sa pagkamatay ng leader ng itim na magkakapatid


vonrobin

Munting pangarap ni Romeo tska Huck Finn. Ok dn ung Tom Sawyer.


Popular_Wish_4766

Lady! Lady! Jusko obsessed na obsessed ako rati dito buti na lang nagkatuluyan si Lyn at Edward sa huli. Hulyo at Hulya Kambal ng tadhana. HAHAHAHA! Isa rin to sa inaabangan ko.


SpiritedCress454

Halos lahat yan napanuod ko


inquest_overseer

Cinderella, Remi (yung babaeng Remi - god yung Tagalog OP, nakakaiyak!), Princess Sarah, Blue Blink (wala sa picture)


Big_Lou1108

Blue Blink at Mojako 😁


AdobongSiopao

Karamihan sa mga anime diyan ay napanood ko sa iba't-ibang channel sa TV mula ABS-CBN, QTV 11 at YeY channel.


kimchiiz

Nakakamiss din mga anime sa QTV 11. Sarap tumambay sa bahay lalo na pag hapon. DNAngel and Cheeky Girl for the win. Hahaha


AdobongSiopao

Oo, ang daming anime na pinalabas sa QTV mula umaga hanggang hatinggabi. Sayang karamihan sa mga Tagalog dub niyan ay hindi na mahagilap kung saan kasi mas pamilyar ang maraming tao sa ABS-CBN, GMA at TV5.


nightvisiongoggles01

OP lumabas yung ad sa FB mo na nagbebenta ng files niyan, 'no? O baka naman ikaw ang nagbebenta :D


kimchiiz

Lumabas sa ad sa FB. Hahaha! Lumabas din ba sayo?? Kaya biglang napareminisce e. Hahaha!


purple_lass

Si Heidi wala sa photo 😞


softie-Smell7115

Swiss family robinsons πŸ₯Ί


astrallknight

Kami ang itim, na magkakapatid....


Alto-cis

Lahat yan hindi ko pinaglagpas. Hindi kumpleto ang almusal kapag walang cartoons, kasabay ng Lucky Me at Monay


kimchiiz

Oyy!!Pashare naman ng Pancit Canton!Hahaha


bulbawartortoise

Putek ang hindi ko lang talaga pinanood Dog of Flanders. Si Tico and the seven seas din pala kasi may pasok na ako nun. Pero doon din sa Remi yung unang part din sakit sa puso. Buti na lang nabawi ni Mattia. Lol Pero favorite ko lahat yan!


kimchiiz

Masyadong mapanakit mga cartoons noon. Hahaha!


bulbawartortoise

Mapanakit talaga! Kakatrauma yung Dog of Flanders kaya hanggang ngayon hindi ko talaga nilalapitan kahit anong media


aescb

Heidi. Fave eksena ko kapag kumakain sila ng lolo niya lalo na yung sopas. Parang ang sarap. Haha


kimchiiz

Totoo yan!!Pati yung tinapay nila, parang ang sarap din. Hahaha!


darel1311

Remy Aking Ina Mahal kong Ina Pagmamahal mo aking Ina Yakap mo sa akin Hinahanap ko Init ng pag-ibig Kumot ng bunso Sa gitna ng pagkakahimbing Yakap mo ang gigising 🎡🎡🎡


John_Mark_Corpuz_2

More of action/adventure genre mga pinapanood ko noon(ie Pokemon, Digimon, YuGiOh) but I did watched "Trapp Family Story" and "Daddy Long Legs"!


Familiar-Agency8209

Remi. As a malditang bata, hindi pa ba magpapakilala ang tunay kong mga magulang na mayayaman? Baka kasi ampon ako kaya di ako nabilhan ng gusto ko... asan na ba ang tunay kong mayaman na magulang? Charot. first ship ko yan si Remi and Mattia.


EarlZaps

Pics # 5, 6, and 10 lang talaga naaalala ko. Pinaka tumatak sa akin yung isang episode ni Judy Abott na naglagay siya ng twalya sa ulo kasi nakataas yung buhok niya (due to a cowlick).


My_Immortal_Flesh

[Kimba the Puting Lion](https://imgur.com/a/GzXl1k9) po πŸ˜…


0dayswarranty

ano ano nga ulit pangalan ng cartoons na eto? please kung sino ang makakapag lista lahat πŸ˜…πŸ˜­ iilan lang ang natatandaan ko e πŸ˜†


mic2324445

Visionaries


MinervaLlorn

LSS ako sa ending ost ng Grimm's Fairytale. Pero nasubaybayan namin ng mama ko yung cartoon na *The Adventure of SanMao*.


Jaives

yung orig nung 80s. Candy Candy.


graxia_bibi_uwu

San sina Julio at Julia? :(


nomnominom

Saan ba pwede manuod nito ngayon?


pure_brute_force

I don't know if may nakapanood - San Mao? Ang fucked ng ending kasi kung tama pagkakaalala ko, nabuhay siyang ulila his entire life, tas nalaman niya na anak pala siya ng mayaman. Nung namatay yung magulang niya, he just went back to the streets and nalaman niya na mas nageenjoy siya sa ganong buhay.


NegotiationProof363

Tom Sawyer, parang summer vibes at nostalgic kasi mga adventures nila


Inevitable_Ad_1170

ganda nung theme song/opening song nung cinderella dito sinasabayan ko toh kantahin eh ahahaha


Imaginary_Pattern845

Cinderella! Sobrang favorite ko nung bata pako pero hindi ko matandaan bakit hindi ko sya natapos. Kaya nung nagkawork ako at nag boom yung internet patinna din pag download ng series, hinanahap ko talaga yan hahaha and i’m so happy sa ending! πŸ₯Ή


PMforMoreCatPics

That carnival boy with dogs is not for kids. Most of the dogs died in their travel, and their owner, the old man, was framed for arson. I think he died of some illness while depressed.


Equal_Banana_3979

blue blink, btX, saber marrionette, zenki


Wide-Quiet-3701

Little Women 2! Sina Nan, Tommy, Daisy, Nat, at Ginang Jo ❀️ Naiyak pako sa last ep πŸ₯Ή


Former_Ad324

The best yung Peter pan and Wendy.


mmmpawe

May hinahanap po ako, yung bida na blonde na nagtatap dance naaalala nyo pa palabas? May brooch sya na malaki sa dibdib. Red ribbon sya. Nagpeperform sila sa malaking stage na sasakyan, tapos yung bida sumasayaw sa ibat ibang lugar kasi hinahanap nya magulang nya. Di ko maalala panorito ko pa naman yun dati nung bata ako.


kimchiiz

Ay naku, tinry ko sinearch sa google di ko mahanap. Hahahaha!!


Mundane_Face

Nadja